By Reggee Bonoan

SA announcement nitong Biyernes ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Jojo Garcia ng unang apat na pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ay iisa ang komentong narinig namin sa presscon.

Vic and Coco

“Vice Ganda versus Coco Martin at Vic Sotto na, dati silang tatlo magkakalaban.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May naulinigan din kaming iba: “May laban si Anne (Curtis). Remember, patok ang horror ‘pag MMFF.”

Anyway, base sa 24 scripts na isinumite sa MMFF selection committee, sa pangunguna ng National Artist na si Bienvenido Lumbera, napili ang apat na pelikula base sa apat na criteria: artistic excellence – 40%, commercial appeal - 40%, Filipino cultural sensibility - 10%, at global appeal - 10%.

Ang naunang apat na pelikulang napili ay ang Aurora (horror/thriller, Viva Films), na pinagbibidahan ni Anne Curtis sa direksiyon ni Yam Laranas; ang The Princess, The Prince and The Perya (fantasy/comedy-ABS-CBN Productions, Inc./Viva Films), starring Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata, sa direksiyon ni Barry Gonzales.

Pasok din ang Girl in the Orange Dress (romance, Quantum Films/MJM Productions), na tatampukan nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Keith Thompson, Tom Rodriguez at Sam Milby, mula sa direksiyon ni Jay Abello; at Popoy En Jack The Pulis Credibles (action comedy, CCM Film Production/MZet Production/APT Entertainment) nina Vic at Coco, na ang huli mismo ang direktor bilang Rodel Nacianceno.

Ang apat pang pelikula ay ihahayag naman sa Setyembre 21, 2018, habang Agosto 31 naman ang due para sa scripts for short films category.

Curious kami kung solo ni Coco ang pagdidirek ng pelikula nila ni Vic, at paano napapayag ang huli na wala na sina Direk Marlon Rivera at Tony Y. Reyes, na parehong paborito niya.

Well, sabi nga, showbiz is show business at weather-weather lang ‘yan.

Samantala, pahulaan naman kung sino ang leading man ni Vice bilang si Prince, dahil walang binanggit na pangalan.

Pero may sitsit na si Dingdong Dantes ang napipisil ng TV host para maging leading man.

Nang itanong naman ito kay Dingdong ay sinabi niyang wala pa siyang offer, pero kung iaalok sa kanya ay tatanggapin niya. Kapag nagkataon ay goodbye muna sa drama ang Kapuso actor.