UMALIS patungong Kuala Lumpur nitong Biyernes ang apat na miyembro ng Philippine Karate Team na sina Engen Dagohoy, John Paul Behar, Sharief Afif at Oliver Manalac para sumabak sa Malaysia Milo Open na nagsimula ngayon sa Juara Stadium.

Ang nasabing kompetisyon ay bahagi ng pagsasanay ng koponan para sa paghahanda sa Asiad, at iba pang kompetisyon sa international. Hindi na rin sila huminge ng bagong budget sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ginamit ng apat na karatekas ang sumobrang pera buhat sa kanilang allowance sa kanilang dinaluhang training sa Japan kamakailan.

“Masayang masaya po kami, kasi nagawa naming gastusan ang sarili namin, at tuluy-tuloy ang exposure,” pahayag ni Dagohoy, isa sa mga karatekas na naging biktima ng ginawang katiwalian ng dating sec-general ng Philippiine Karatedo Federation na si Reymond Lee Reyes.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ayon kay Dagohoy, isang malaking tulong para sa kanila ang exposure na ito bago ang Asiad, upang makapagsanay ng husto at makundisyon ang kanilang mga katawan sa mga international competition. Sa katunayan umano, nakatakda din silang magtungo ng Jordan ngayong Agosto bago ang mismong araw ng Asian Games sa Indonesia.

“Sasali po yung team namin sa Asian Karate Championships sa Jordan, although pili lang ang napasali sa larong yung. Masaya kami kasi tuluy-tuloy po ang exposure ng team namin, kasi nakasali po ang team namin sa event na ito. I’m happy for my teammates kasi magandang laro ito para sa kanila, bago mag Asian Games,” ayon kay Dagohoy.

Ikinasiya din ng mga nasabing karatekas ang pagdalaw ng kanilang bagong coach na nagbuhat pa sa Japan na si Shin Tsuki na kanilang sasandalan hanggang sa mga susunod na kompetisyon. (Annie Abad)