BAGUIO CITY – Pinag-aaralan na ng mga ahensiya ng gobyerno ang posibilidad na permanenteng isara ang makasaysayang Kennon Road upang tumibay ang lupa at bato nito at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa lugar.

Ayon kay Mayor Mauricio Domogan, ikinonsidera ng ilang sektor ng gobyerno na isara ang Kennon Road dahil sa nangyaring insidente kung saan nabagsakan ng malalaking bato ang ilang sasakyan na ikinamatay ng ilan.

“We find reason behind the proposed closure of Kennon road to allow the soil and rock formation of the mountain slope along the stretch of the scenic zigzag road to settle down and stabilize for the overall safety of motorists and residents. We should not sacrifice the safety of our people by continuously allowing motor vehicles to pass through the road that is why it is high time for the concerned government agencies to make a firm decision whether or not to close the road to vehicular traffic for a certain period of time,” diin ni Domogan. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!