Inabsuwelto ng Sandiganbayan si Narra, Palawan Mayor Lucena Diaz Demaala sa 14 bilang ng graft kaugnay ng umano’y maanomalyang transaksiyon ng munisipyo sa kumpanyang pag-aari ng anak ng opisyal.

Dahil dito, lusot na si Demaala sa kasong paglabag sa Section 3(h) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at maging sa unang hatol sa kanya na 85-140 taong pagkakabilanggo.

Nag-ugat ang kaso ni Demaala nang akusahan siya ng ilang beses na pagbili ng supplies, materials at Risograph printing sa ADB Trading and Services, ang kumpanyang pag-aari ng anak niyang si Arlene Diaz Barquilla-Cabando.

Matatandaang naghain ng motion for reconsideration si Demaala kaugnay ng desisyon ng hukuman, na may petsang Disyembre 15, 2017, nang mapatunayang nagkasala siya sa nasabing kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang mosyon, iginiit ng alkalde na nabigo ang prosekusyon na mapatunayang nagkaroon ito ng financial interest sa mga transaksiyon ng munisipyo sa ADB Trading.

Ikinatwiran din ni Demaala na kahit mag-ina sila ay hindi nangangahulugang mayroon na silang direct o indirect financial interest sa naturang kontrata.

Sa panig naman ng korte, ipinasya nilang baligtarin ang kanilang desisyon sa usapin matapos ang masusing pag-aaral sa record ng kaso.

“In these cases, the prosecution failed to prove the presence of the actual intervention of the accused in her official capacity as mayor in the purchase of office supplies and materials and Risograph printing from ADB Trading & Services where has an indirect pecuniary interest,” ayon pa sa ruling ng 3rd Division ng anti-graft court.

(Czarina Nicole O. Ong)