SIMULA nang mapanood ang pagwo-workout ni Kylie Padilla bilang paghahanda sa guest appearance niya sa The Cure, nabuhayan na ng loob ang KyRu fans nila ni Ruru Madrid, at nag-request ang mga ito kay Direk Mark Reyes sana raw ay i-guest din si Ruru sa epidemic serye.

Kylie at Ruru copy

Ayon sa fans, miss na miss na raw nila sina Amihan (Kylie) at Ybrahim (Ruru) na nagtambal noon sa telefantasyang Encantadia. Nanghinayang sila noon nang kinailangang patayin ang character ni Amihan dahil ipinagbuntis ni Kylie ang panganay nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Last Monday, June 25, ay pumasok na si Kylie sa serye bilang si Lt. Adira Aguilar, isang Special Forces Agent. Naka-assign siyang protektahan si Dr. Evangeline Lazaro (Jaclyn Jose) para matapos nito ang pagtuklas sa gamot at nang gumaling na ang mga infected ng Monkey Virus Disease (MVD).  

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Nagamit nga ni Kylie ang mga physical training na ginawa niya bago siya bumalik sa GMA, dahil pawang maaaksiyon ang eksena niya sa The Cure. Nakipaglaban pa siya sa Wushu expert na si Janice Hung, na nakasama rin niya noon sa Encantadia. Nagkaeksena na rin sila ni Jennylyn Mercado.

Natanong namin si Direk Mark kung hindi ba nila tutugunan ang request ng KyRu fans. Inamin naman ng direktor na sa kanya nga raw Instagram account ay maraming nagre-request na i-guest din sa The Cure si Ruru.

Last Friday, sa teaser ng The Cure, ay pumasok na nga si Ruru. Sure na this Monday ay mapapanood na silang magkasama ni Kylie. 

Post naman ni Direk Mark sa Instagram: “Super happy that these 2 get to guest on #gmathecure Nice to be working with @kylienicolepadilla @rurumadrid8 again. #encafamily #kyru #ybramihan #adiraxavier.”

Nagpasalamat naman si Ruru: “Thank you Emre (ang god ng Encantadia).”

Yes, si Ruru ay isa ring Special Forces Agent, isang sniper. Panoorin ang bagong karakter niyang si Xavier, or “X”, sa The Cure, after ng 24 Oras. (Nora V. Calderon)