CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo, Leyte – Nanawagan ng hustisya ang mga pamilya ng anim na pulis na napatay sa Samar, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay Raychel Escalo, naulila ni PO1 Julie Escalo ng Balangiga, Eastern Samar, personal siyang humingi ng tulong kay Pangulong Duterte upang makamit ang hustisya nang makausap ang Pangulo nang bumisita ito sa burol ng anim sa pulis sa Matapat Hall of the Police Regional Office No.8 nitong Biyernes ng hapon.

“We want justice for my husband. He did not promise us and instead he just told me that accident really happens,” sabi ni Rachel sa mga mamamahayag nang kapanayamin matapos kausapin si Duterte.

Ayon kay Mrs. Escalo, masakit para sa kanya ang nangyari at para sa dalawa nilang anak.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

“The amount given to us by President Duterte is immaterial as what we want is justice,” ani Rachel.

Aniya, hindi naniniwala ang kanyang pamilya na misencounter ang nangyari sa Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar dahil sinabi umano ng mga survivor ang mga tunay na nangyari.

Tumanggap si Rachel ng P255,000 mula kay Pangulong Duterte.

Ipinangako rin umano ng Pangulo ang edukasyon ng dalawa niyang anak. (Nestor L. Abrematea)