Gilas, kumpiyansa sa AussiesGINIMBAL ng Japan ang seeded Australia, 79-78, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers sa Chiba Port Arena.

Pinangunahan ni naturalized player Nick Fazekas ang Akatsuki Five sa nakubrang 25 puntos at 12 rebounds, sa kanyang debut bilang national team member kapalit ni Ira Brown.

Nag-ambag si Rui Hachimura ng 24 puntos mula sa 10-of-18 shooting, bukod sa pitong rebounds, habang tumipa si Yudai Baba ng walong puntos at kumana si Makoto Hiejima ng anim na puntos, walong boards, at anim na assists para patatagin ang kampanya ng Japan na makausad sa second round.

Umabante ang Japanese sa 40-28 sa second half at matatag na naisalba ang bawat pagbabalik ng Aussies. Naisalpak ni Hachimura ang dunk para sa 79-74 bentahe may 12 segundo ang nalalabi sa laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod ng panalo, umusad ang Japan sa 1-4 sa Group B at liyamado sa pagharap sa Chinese Taipei (1-4) sa knockout game sa Lunes.

Nagbigay din ng kumpiyansa sa Team Philippines Gilas ang kabiguan na Asutralia bago ang kanilang paghaharao sa Philippine Arena sa susunod na linggo para sa top seeding sa group elimination.

Nanguna si Chris Goulding sa Aussies na may 12 puntos, apat na rebounds, at tatlong assists.

Mula sa malamyang simula, umarangkada ang Gilas Pilipinas sa second haklf para pataubin ang Chinese Taipei, 93-71, sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.

Hataw ang Gilas sa 15-4 run para sa 44-37 halftime lead, bago pinamunuan ni June Mar Fajardo ang 10-0 run sa third period para sa ikaapat na panalo ng Gilas sa limang laro sa home-and-away qualifiers.

Nanguna si Fajardo na may 22 puntos, habang tumipa si Jayson Castro ng 15 puntos.

Iskor:

Philippines (93) – Fajardo 22, Castro 15, Romeo 14, Blatche 13, Norwood 8, Pogoy 8, Wright 6, Rosario 5, Jalalon 2, Abueva 0, Aguilar 0, Maliksi 0.

Chinese-Taipei (71) – Davis 17, Lu C.J. 13, Y.C. Chen 11, K.C. Chen 9, Y.H. Chou 9, C.M. Yang 7, W.T. Tseng 3, P.C. Chou 2, Creighton 0, Y.A. Chiang 0, C. Liu 0, I.C. Su 0.

Quarterscores: 16-19; 44-37; 68-60; 93-71.

JAPAN (79) — Fazekas 25, Hachimura 24, Baba 8, Hiejima 6, Takeuchi 6, Tanaka 4, Tsuji 2, Togashi 0.

AUSTRALIA (78) — Goulding 22, Maker 13, Kay 12, Kickert 10, McCarron 7, Cadee 4, Dellavedova 4, Gliddon 3, Brandt 2, Sobey 1, Lisch 0.

Quarterscores: 23-16, 42-33, 64-58, 79-78.