Andre, Joyce, Regine, Lani, Ai Ai at Christian copy

NAI-LAUNCH na ang pinakabagong singing competition ng GMA Network, ang The Clash, last Thursday, June 28.

Sa bagong programa, ipinakilala ang Top 62 clashers na dumaan sa mahigpit na audition na ginawa sa iba’t ibang lugar sa bansa. Masasabing intense ang labanang ito dahil one-on-one battle na kailangang magtagumpay ka sa kalaban mo at tanghaling the country’s next singing sensation.

Tulad ng alam na, ang programa ay hosted ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Simula nang magpa-audition ako sa kanila, na-excite na agad ako kasi ang daming mahuhusay na nakapasok. Kaya sa pagsisimula ng main elimination simula sa July 7, magsisimula na ring mag-clash sila sa bawat isa,” sabi ni Regine.

Magiging panel of judges, na tatawaging The Clash Judges, sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at si Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.

“I think this program is a refresher for me,” say ni Lani. “Muli kong makakatrabaho sina Regine, Ai Ai and Christian, na matagal ko nang hindi nakakasama. This time, naiiba ito dahil we will be working as a team to choose kung sino ba talaga ang deserving to be the first The Clash champion kaya nakaka-excite.”

“Natutuwa naman ako dahil different ang The Clash from other singing competition,” sabi naman ni Ai Ai. “Mayroon silang chance na ipakita nila talaga ang husay nila sa pagkanta.”

Nagbigay naman ng ilang points sa clashers si Christian: “Makukuha nila ang vote ko if in terms of singing, they chose the right song at makanta nila ito nang maayos. And of course, in terms of performance, they have to connect with us—the TV audience, to make us feel their song.”

Makakasama rin sa The Clash sina Andre Paras at Joyce Pring, na magbibigay ng updates sa mga aspirants kung paano nila makukuha ang kanilang musical stardom.

Sa direksiyon ni Louie Ignacio, mapapanood ang The Clash Saturdays at Sundays evenings, simula sa Saturday, July 7, sa GMA 7.

For more information, i-follow lang ang show sa Facebook sa @TheClashGMA. (Nora V. Calderon)