MULING kakasa si dating OPBF super flyweight champion Rene Dacquel ng Pilipinas kay South African 115 pounds titlist Yanga Sigqibo para sa bakanteng WBC International super flyweight title sa Hulyo 27 sa International Convention Centre sa East London, South Africa.

Huling natalo sa puntos si Dacquel noong nakaraang Pebrero 24 kay WBA Oceania super flyweight champion Andrew Moloney sa Town Hall, St. Kilda, Melbourne, Australia kung saan hindi mananalo ang Pinoy boxer kung hindi patutulugin ang kalaban.

Nakalista pa rin si Dacquel bilang No. 10 contender kay IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas na isa ring Pilipino pero nawala siya sa WBC rankings na kampeon si Srisaket Sor Runvisai ng Thailand at pumalit sa kanya si Moloney na No. 4 contender ngayon.

Bagama’t may pitong talo ang tubong Manabo, Abra na si Dacquel, hindi pa siya napatutulog ng kahit sinong world ranked na kalaban at may taglay siyang 20 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts, at 1 tabla.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May 10-1-1 rekord na may 3 pagwawagi sa knockouts si Sigqibo na hindi pa lumalaban sa labas ng kanyang bansa bagamat liyamadong manalo sa hometown decision.

Tepora, kakasa vs Ortega para sa WBA title

SA halip na titulo sa International Boxing Organization (IBO), paglalabanan na nina No. 2 contender Jhack Tepora ng Pilipinas at 3rd ranked Edilvaldo Ortega ang World Boxing Association (WBA) ‘regular’ featherweight title sa undercard ng Lucas Matthysse-Manny Pacquiao WBA welterweight title bout sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Iniutos ng WBA na magharap sina Tepora at Ortega para sa bakanteng titulo at pagkakataong hamunin si WBA super champion Leo Santa Cruz na matagumpay naidepensa ang titulo nito kamakailan sa dating kampeong si Ruben Mares na isa ring Mexican.

Malaking pagkakataon ito sa walang talong si Tepora upang maipakita ang kanyang telento sa pakikipagbasagan ng mukha tulad nang nagpasiklab siya sa East London, South Africa nang patulugin sa 2nd round si dating world rated Lusanda Komanisi para matamo ang WBO Inter-Continental featherweight title noong Setyembre 22, 2017. (Gilbert Espeña)