Patay ang isang obrero habang sugatan ang tatlo niyang katrabaho makaraang gumuho ang lupa sa ginagawang kalsada sa Polomolok, South Cotabato nitong Biyernes, iniulat ng kahapon.

Sa report ng Polomolok Municipal Police Station (PMPS), kinilala ang nasawing biktima na si Melchor Onal, nasa hustong gulang, na mahigit isang oras nalibing nang buhay.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan na sina Herminado Jesus, Luisito Llasis, at Michael Villaraza.

Sa salaysay ni Allan Sampoling, ng Barangay Maligo, Polomolok, narinig niyang nagpapasaklolo ang mga biktima matapos gumuho ang lupa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natagalan at gumamit pa ng backhoe bago nahukay si Onal.

Nangako ng tulong pinansiyal ang kumpanya ng mga biktima. (Fer Taboy)