BILANG tulong sa naapektuhang mga mangingisda sa malawakang clean-up drive sa mga ilog sa Pangasinan, inilunsad ng lokal na pamahalaan ang proyektong fish processing livelihood nitong Huwebes.

Para sa unang pagkakataon, ang Camaley Fisherfolk Association ng bayan ng Binmaley ang unang benepisyaryo ng programa.

“The massive river clean-up drive in 2007 to 2008 initiated by then Governor Amado Espino Jr., which sought to restore the pristine beauty of our river system, disturbed the livelihood of our fisherfolk as it displaced their structures situated on the rivers at that time,” pahayag ni Provincial Agriculture Officer Dalisay Moya.

Ayon kay Moya, gagamitin ng Camaley fishermen, na pangunahing benepisyaryo ng proyekto, ang fish processing facility ng probinsiya sa Libsong Fish farm para sa pagpoproseso ng deboned milkfish, tinapa (smoked fish) at rellenong bangus (stuffed milkfish).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Aniya, maaaring gamitin ng mga miyembro ang smokehouse, freezer, cooler at stainless na mga lamesa para sa pagproseso ng isda.

Nakatanggap din ang asosasyon ng P50,000 soft loan mula sa probinsiya at mga fish processing kit. Habang hiniling na rin nila ang vacuum-packaging equipment.

Nabanggit rin ni Moya ang pangako ni Governor Amado Espino III na tulong para sa pagbebenta ng mga produkto.

“The milkfish supply of the 14 provincial-government-run hospitals in the province will be bought from them as told by Governor Espino. Also parts of their market are provincial government employees and other local government units,” aniya.

Hinikayat din niya ang iba pang samahan upang bumuo na programang pangkabuhayan at ang probinsiya ang magkakaloob ng pagsasanay, pautang na kapital at pasilidad o mga kagamitan.

“We hope that we have inspired them to venture in other livelihood that is still related to what they do, since our governor wanted to expand this project to the whole province,” paliwanag ni Moya.

Samantala ang proyektong ay nakaugnay sa “Ilog Ko, Bilayen tan Aroen Ko (My River, I will Restore and Love) Livelihood Project” ng Pangasinan.

PNA