SA nakaraang episode ng It’s Showtime ay nag-celebrate ng kanyang birthday ang Korean host-comedian na si Ryan Bang, kasama ang kanyang co-hosts sa nasabing noontime program. Bilang gift, nakatanggap siya ng giant pillow mula sa kanyang Showtime family.

ryan at vice copy

“Ang cute, para kang laging may kayakap,” sabi ni Vice Ganda, na hindi maikakailang pinaka-close kay Ryan sa nasabing show.

“Alam mo, ako masayang-masaya ako, hindi lang dahil ang daming nangyayari sa buhay mo, ang dami mong pera, ang dami mong show. Masaya ako kasi nakikita ko ang dami-daming nagmamahal sa ‘yo.”

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

“Thank you so much. Dahil sa ‘yo ‘yon, mommy,” sagot naman ni Ryan, na ‘Mommy’ ang tawag kay Vice.

“Dahil sa ‘yo ‘yon. Dahil mabuti kang tao, hindi lang ‘yung mga katrabaho mo nagmamahal sa ‘yo. Kahit ‘yung mga taong hindi ka kakilala. ‘Yung mga Pilipino, mahal na mahal ka. Hindi ka itinuturing na banyaga sa Pilipinas na ‘to. Kapamilya ka nilang lahat.

“At bilang nanay mo, masayang-masaya ako roon. Parang, dati alam mo naman nakasunod ako. Tuwing hindi ka magte-text, hindi ko alam kung nasaan ka, nagagalit ako. Pero ngayon, dedma na ako. Kahit hindi ko alam kung nasasaan ka,”Singit naman ni T’yang Amy Perez: “Nag-mature na siya.”

Sumundot naman ng biro si Vice. “Oo, at saka hindi na ako natatakot kasi alam kong hindi ka mapapahamak kasi mahal ka ng mga Pilipino, at saka hindi ka naman tatanga-tanga. Hindi, kasi ayoko siyang pinapalabas dati kasi hindi ko alam kung saan nagpupunta. Tapos maano kasi ‘to, ‘yung sa sobrang hiya niya sa mga Pilipino, nanlilibre siya nang nanlilibre. Labas siya nang labas ng pera.”

“Pera mo ‘yon. Sorry, sorry,” ani Ryan.

“Sabi ko hindi ganoon. Okay ‘yung matulungin, pero sisiguraduhin mong hindi ka maaabuso, ‘di ba? Matalino ka namang bata,” sabi pa ni Vice. “I am just so proud of you, I am so happy. Para talaga akong nanay mo, tingnan mo naghanda talaga ako, birthday mo.

“Kaya ipagpatuloy mo. Kaya maraming-maraming salamat sa lahat-lahat ng mga Pilipinong nagmamahal kay Ryan Bang, dahil ‘yung pagmamahal n’yo sa kanya tumatagos hanggang sa aming lahat. Kaya nagpapasalamat po kami.

“Kaming lahat dito parang mga nanay at kapatid niya, kaya lahat ng nangyayari sa ‘yo, e, bahagi kami. At ‘yung nangyayari din sa amin ay bahaging-bahagi ka. Mahal na mahal ka ng Pilipinas.”

The 27-year-old actor promised to take care of Vice Ganda when he reaches his sunset years.

“Thank you so much, mommy. At saka, talaga, gusto ko din pasalamatan lahat ng Showtime hosts, saka Hashtags, Girltrends. Pero alam n’yo naman, sa buong Pilipinas, pinaka-special sa akin si Mommy Vice.

“Saka lahat ng mga event... mga graduation, mga birthday, mga premiere night, lagi ka nandyan. Kaya, mommy, maraming, maraming salamat. ‘Pag ano, hanggang ninety plus ka, ako bahala sa ‘yo, babawi ako.”

The comedian then narrated that in an effort to comfort him when he gets heartbroken, Ryan proposed a radical solution. Kuwento ni Vice: “Alam mo, mahal na mahal niya ako. Sa sobrang pagmamahal niya ninenerbiyos ako. Kasi minsan ‘pag umiiyak ako, sasabihin niya, ‘dyowain mo na lang kaya ako’. Sabi ko, huy! Eto talaga, eh.”

Finally, Vice Ganda greeted Ryan: “Happy birthday, anak. I love you.”

Ryan sweetly told Vice: “I love you, mommy. I love you.”

Vice Ganda and Ryan kissed each other on the lips to end the segment.

-ADOR V. SALUTA