Sumadsad na naman ang piso kontra dolyar sa pinakamababa nitong halaga sa nakalipas na 12 taon.
Bumaba pa ng apat na sentimo ang piso sa P53.515 palitan nito kontra dolyar kumpara sa P53.475 nitong Miyerkules.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso laban sa dolyar matapos maitala ang P53.550 palitan nito noong Hunyo 29, 2006.
Ang pagsadsad ng piso kontra dolyar ay isinisi naman ng isang opisyal ng bangko sa trade wars, partikular na ng Amerika at China na nakaaapekto rin sa Philippine market.
Maaari pang umabot sa P54 ang palitan sakaling magpatuloy ang tensiyon sa kalakalan, ayon pa sa taya.
-Beth Camia