NAALALA naming bigla ang kuwento ng mommy ni Tony Labrusca na si Ms Angel Jones, na nanalong Ms Century Tuna 2018. Sobrang hirap kasi ang naranasan ni Ms Angel nang bumalik siya sa Pilipinas para magtrabaho.

Tony & Angel

Nag-guest kasi ang mag-inang Angel at Tony sa Magandang Buhay nitong Huwebes, at naikuwento ng aktor ang naging buhay nila sa Canada, kaya nagdesisyon siyang sundan dito sa Pilipinas ang ina para mag-artista sa pamamagitan ng Pinoy Boyband Superstar.

Hindi man nanalo si Tony, ito ang naging daan para magkaroon siya ng maraming offers.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nung bata ako, ang dami kong pangarap and ‘yung wish ko lang was sana magkaroon kami ng bahay. Sobrang thankful ako kay God kasi it’s all Him. Maybe my parents weren’t able to provide a house when we were young but he’s given me the chance to be able to provide that for my family now,” kuwento ni Tony.

Base naman sa panayam naming kamakailan sa mama ni Tony na si Angel, nagkuwento ito: “When I arrived here in the Philippines I have no work so I called up all my friends, mga kakilala, to inform them na I’m back and baka may puwede silang ibigay sa akin na work.

“It’s really hard for me kasi I have to start from nothing. Nakatira ako sa maliit na kuwarto na puro eggs and bread lang kinakain ko. All my clothes bought from ukay-ukay (sabay tingin sa suot na blazer), hindi naman halata ‘di ba? Nasa nagdadala ‘yun,”nakangiting kuwento ni Ms Angel.

Singit ni Tony: “Mukha lang po kaming mayaman pero hindi.”

Kaya nang makaipon nang konti si Ms Angel ay pinapunta na niya sa bansa si Tony hanggang sa nagtuluy-tuloy ang career ng anak.

At dahil tulong silang mag-ina kaya nakaipon ay pinapunta na nila ang mga kapatid ni Tony at magkakasama na sila ngayon sa bago nilang inuupahang bahay.

Kaya pala nabanggit din ni Tony noon sa presscon ng bagong batch ng Star Magic Circle na isa rin sa pangako niya sa mama niya ay mapakain ito sa isang sosyal na restaurant. Hindi naman nagtagal at nangyari ito sa Sofitel noong nakaraang taon.

Sabi nga namin sa mama ni Tony, pang-MMK (Maalaala Mo Kaya) ang kuwento ng buhay nila, at sanag-ayon naman ako rito.

Kaya paging MMK, puwede ninyong i-feature ang buhay ng mag-inang Angel at Tony.

-Reggee Bonoan