“MAHAL ko siya, basta si Lord na ang bahala kung saan kami humantong.”

Ito ang pangwakas na sabi ni Jolo Revilla sa pocket presscon niya nitong Huwebes para sa pelikula niyang 72 Hours, produced ng Imus Production.

Panay lang ang tawa ni Jolo kapag tinatanong siya kung kumusta na ang puso niya ngayon, at kahit hindi banggitin ang pangalan ni Jodi Sta. Maria ay intindi na ng nagbabalik na aktor kung saan patungo ang tanong sa kanya.

“Ang masasabi ko lang, inilabas niya ‘yung best sa akin. Wala akong masasabi dahil she’s very responsible person. Mahal ko ‘yun,” ito ang matipid na sabi ni Jolo tungkol kay Jodi.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Read between the lines na lang sa mga sagot ni Jolo ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jodi.

Gaya ni Jolo, iniwasan din ni Jodi na sagutin ang tungkol kay Jolo sa nakaraang set visit sa kanya ng press sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso.

Samantala, aminado si Jolo na sobrang na-miss niya ang showbiz dahil pitong taon na ang nakararaan noong huli siyang gumawa ng pelikula. Kaya naman bago sila mag-shoot ng 72 Hours ay nagsabi siya sa direktor niyang si D o n d o n Santos na m a g w o - workshop muna siya, pe ro hindi siya pinayagan. Kayang-kaya raw ng aktor ang karakter na gagampanan niya bilang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabanggit din ng aktor na wala siyang tinanggihang eksenang aksiyon, at nagawa naman niyang lahat. Dapat daw na abangan ang car-chasing scene, na hindi na niya idinetalye pa.

“Mapapanood nila sa movie (72 Hours) ‘yung hindi nila nakikita sa telebisyon. Medyo mahirap kasi umuulan, at ‘yung car chasing abangan nila,” kuwento ng aktor.

Si Rhian Ramos ang leading lady ng aktor, na pinili mismo niya. “Almost all of our artists came from Channel 2 (ABS-CBN). I think sa leading lady, eh, GMA naman.”

Napunta naman ang usapan sa papel niya bilang head security ni Rowell Santiago bilang presidente ng Pilipinas sa action seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano. Ayon kay Jolo ay sobrang nagpapasalamat siya kay Coco Martin dahil hindi siya nagdalawang-salita nang banggitin niya ritong isama naman siya sa programa.

“Nagkita kami sa airport, delayed ‘yung flight niya, so nagkakuwentuhan kami at biniro ko nga na isama niya ako at sabi niya, ‘oo naman ikaw pa. hahanapan kita ng papel na hindi siyempre masama.’ Bale two months na akong nasa Probinsiyano,” masayang kuwento ni Jolo.

Abangan din daw ang turn about ng character niya sa Ang Probinsiyano dahil magugulat ang lahat.

Going back to 72 Hours, planong isali ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival ngayong Agosto, na sponsored ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

-REGGEE BONOAN