MULING nakiisa ang Honda Philippines, Inc. (HPI), nangungunang motorcycle manufacturer sa bansa, sa inilargang Color Manila Challenge Run kamakailan sa Cebu City.
Mula sa Clark, Laguna, hanggang Taguig nitong Hunyo, humirit ang HPI para maging bahagi sa masayang pagdiriwang ng pinakamalaking obstacle fun run sa bansa. Ibinida ng Honda ang pinakabagong modelo ng Honda BeAT na may anim na kaaya-ayang kulay.
Nagsagawa rin ang HPI ng test ride course sa Riders’ Skills Challenge kung saan sumalang sa learn-to-ride program ang mga kalahok gamit ang Honda’s automatic models.
“We are excited to be a part of this great event. Through this, we hope to bring fun to the Filipino millennials as we continue to take part in activities that match their active lifestyle,” pahayag ni Mr. Jomel Jerezo, General Manager and Department Manager of Motorcycle Business Planning of HPI.
Kinikilala ang Color Manila’s CM CHALLENGE RUN bilang unique event kung saan ang mga runners ay sasabak din sa iba’t ibang challenge tulad ng skip, hop, slide, crawl, habang naliligo sa ibalt ibang kulay ng pulbos na isinasabog ng organizers.
Sinimulan noong 2012, ang Color Manila ang nangungunang colorful at fun concept sa bansa Ang mga kalahok ay maaaring mamili sa iba’t ibang konsepto -- M Classic, CM Blacklight, CM Paradise, CM Glitter, at CM Challenge.
Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang www.colormanila.com o sundan sa Facebook sa www.facebook.com/colormanila/ at Twitter @Colormanila. Makukuha rin ang resulta ng kaganapan sa Honda Philippines, Inc. on Facebook – www.facebook.com/hondaph/ o bisitahin ang social website – www.hondaph.com.