MALAKI ang potensiyal ng mga kabataan ngunit ilan sa kanila ang dumadaan sa mga pagsubok at hindi nararanasang matamasa ang ganda ng buhay dahil sa kawalan ng direksiyon at pag-asa.

“It’s really sad and it’s happening actually all over the world, I think. These young people must understand that there is a way to live life that can fulfill you, a life that’s worth living,” pahayag ni Sarah Finch, program director ng GenFest 2018.

Aniya, kapansin-pansin na sa tuwing dumadaan sa pagsubok ang mga kabataan, marami sa kanila ang mabilis ma-depress at nagpapakamatay. Sa mga ganitong sitwasyon, pinayuhan niya ang mga kabataan na humanap ng paraan upang makayanan ito.

“I think the greatest sign of hope for those young people is to meet people in life who have hope. So, they would have an aim in life, they would want to do something in their lives,” ani Finch.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ibinahagi rin niya ang kuwento ni Lani Lee Justo, Pinay na mula sa Davao City, na nagsimula ng isang football project para sa mga kabataan upang ilayo sila mula sa pagkalulong sa computer games.

“It takes somebody to start a project and initiative and other people join, and that’s the way that the world can change. Each person changing that little spot around them, that little square meter around them can help to influence on a wider scale,” aniya.

Dahil tunay na kailangan ang maraming kabataan para sa pagbabago ng mundo, umaasa si Finch na makatutulong ang Genfest upang maging susi ang dadalo sa pagbibigay ng positibong pananaw para sa mga kabataan sa kanilang paligid.

GENFEST 2018

Ang GenFest ay isang malaking pagpupulong ng libu-libong kabataan mula sa iba-ibang kultura, lahi at relihiyon sa iba’t ibang panig mundo.

Idinadaos tuwing ikaanim na taon sa mga bansa sa Europa, ang Genfest ay nagsimula sa Florence, Italy noong 1973. Huli itong ipinagdiwang noong 2012 sa Budapest, Hungary. Para sa muling pagdiriwang ngayon taon, mula sa temang “Beyond all Borders”, gaganapin ito sa World Trade Center sa Pasay City, Manila sa Hulyo 6- 8.

Inaasahang dadaluhan ng 6,000 kabataan, mula sa 99 na bansa, ang tatlong araw na pagdiriwang ngayong taon na idaraos sa Asya sa unang pagkakataon.

Kabilang sa mga aktibidad ngayong taon ang pagpaalitan ng mga ideya para sa tamang paggamit ng sining, ekonomiya, kapaligiran at realidad ng lipunan upang makabuo ng pagkakaisa.

PNA