PANSAMANTALANG gagabayan ni dating PBA star Johnedel Cardel ang Columbian Dyip, habang wala pang napipisil na papalit sa nagbitiw na si Ricky Dandan.

John Cardel

John Cardel

Bagamat aminadong mahirap ang responsibilidad, tinanggap ni Cardel, dating deputy assistant ng koponan, ang hamon.

“It’s a tough job but I’m ready to take on the challenge,” pahayag ni Cardel.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Columbian Governor Bobby Rosales, napili nila si Cardel dahil pamilyar na ito sa sistema at gusto rin nilang bigyan ng pagkakataon ang mga sarili nilang personnel.

Papalit naman sa kanyang puwesto bilang lead deputy si Hubert delos Santos.

Ito ang ikalawang pagkakataon na uupo si Cardel bilang head coach sa PBA kasunod ng nauna nyang stint bilang interim coach ng Globalport noong 2016 Commissioner’s Cup.

Dahil sa promosyon, nabigyan ang dating La Salle Green Archer ng one-year contract extension sa Columbian.

Ayon kay Cardel, wala siyang babaguhin at sa halip at magdadagdag na lamang ng kaunti sa sistemang iniwan ni Dandan.

Pormal naman siyang magsisimula sa kanyang bagong trabaho sa pagbabalik mula sa bakasyon ng mga playes ng Dyip sa susunod na buwan.

-Marivic Awitan