Siyam na buwan lang kukumpunihin ang Otis Bridge sa P. Guanzon, sa Paco, Maynila, pagtiyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Aniya, doble ang kanilang pagsisikap upang maabot ang pangakong panahon sa pag-aayos ng nasabing tulay.
“We will begin the repair and construction works this evening. We will also implement a 24/7 work schedule so we can expedite the bridge construction,” ani Villar.
Magugunitang isinara sa motorista ang 50-anyos na tulay dahil sa malalaking bitak sa gitnang bahagi nito, upang maiwasan ang anumang aksidente.Nauna nang inihayag ni DPWH South Manila District Engineer Mikunug Macud na matagal nang nakaplanong palitan ang nasabing tulay ngunit naudlot dahil umano sa itinatayong mga proyekto na nagpapasikip sa daloy ng trapiko sa lugar.
-Mina Navarro