Bubuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang sistema, sa pamamagitan ng mobile application, upang ipaalam sa publiko ang pinakahuling ulat sa trapiko, baha, disaster at emergency awareness sa bansa.

Nilagdaan kahapon nina MMDA Chairman Danilo Lim at Atty. Ray Espinosa, pangulo at chief executive officer ng MediaQuest Holdings, Inc., ang isang memorandum of agreement (MOA) upang pagtibayin ang kanilang partnership sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Sa ilalim ng MOA, ang MMDA at MediaQuest Holdings ay lilikha ng isang mobile application na maghahatid sa publiko ng mabilis na impormasyon hinggil sa kalagayan ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Malaki rin ang maitutulong nito sa paglalahad ng pinakasariwang impormasyon kaugnay ng road conditions, road repairs, pagbaha, Pasig River Ferry System at iba pang public transport schedule, earthquake preparedness updates, at iba pang importanteng impormasyon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

-Bella Gamotea