Nagpulong kahapon ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Philippine National Police (PNP) upang talakayin ang magkakasunod na pagpatay sa tatlong pari sa bansa.

Sa idinaos na pulong sa Intramuros, Maynila, tiniyak ng pamunuan ng PNP sa mga opisyal ng Simbahan na hindi “target” ang mga pari.

“We were assured that we were really not targets and that’s coming from the PNP Chief himself,” pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Public Affairs Committee.

Ang tinutukoy ni Secillano ay si PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde, na nakadaupang-palad niya kasama si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang tatlong pari na ang napapaslang sa bansa sa nakalipas na anim na buwan, at ang pinakahuli ay si Fr. Richmond Nilo, ng Diocese of Cabanatuan, na pinatay sa altar sa aktong magsisimula ng misa.

Sinabi rin ni Secillano na hindi sila humingi ng anumang security para sa mga pari at mga parokya.

“It didn’t come to that point wherein we requested that a police be placed in churches. What’s good about this meeting is that the communication lines are now open. If ever we see the need for security we can immediately ask for their help and its now easier to coordinate with them,” ani Secillano.

Inamin din ni Secillano na hiniling sa kanila ng PNP na tulungan ang pulisya sa internal cleansing program nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng values formation.

-Leslie Ann G. Aquino