Magiging busy ang natitirang buwan ng 2018 kay Dingdong Dantes dahil may pelikula at teleserye siya. Kayang-kaya ni Dingdong na pagsabayin ang taping at shooting, basta nasa tamang scheduling lang at sa tulong ng PPL Management niya.

Dingdong

Una na siyang nakipag-meeting sa mga opisyal ng GMA-7 para sa teleserye na kanyang gagawin at ang dinig namin, sa August na ito sisimulan. ‘Yon nga lang ay wala pang inilalabas na detalye tungkol dito ang network at saka, nagka-casting pa yata.

Noong isang araw, may meeting si Dingdong sa Star Cinema at may photo na lumabas na kasama niya si Olive Lamasan, ang head ng Star Cinema. Ibig sabihin nito, sa two movie offers na dumating kay Dingdong pagkatapos ng box-office hit na Sid & Aya ng Viva Films, ang offer naman ng Star Cinema ang tinanggap nila ng manager niyang si Perry Lansigan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Abangan din natin ang announcement ng Star Cinema kung sino ang makakasama ni Dingdong sa bago niyang pelikula at kung sino ang magiging direktor nito.

Pero siyempre, ang inaabangan ng lahat ay ang announcement kung papasok na sa pulitika si Dingdong. Sa October na magpa- file ng candidacy para sa 2019 midterm election para sa Senado. At sandali na lang ay masasagot na ang mga tanong kung tatakbo bang senador si Dingdong o hindi?

Sa ngayon, ang taping ng Amazing Earth lang ang pinagkakaabalahan ng aktor at positive ang feedback at

mataas ang rating ng program. Third episode na ng infotainment ang mapapanood sa Sunday.

-NITZ MIRALLES