NOONG Mayo 31 ang final submission ng script ng mga pelikulang gustong sumali sa Metro Manila Film Festival (MMFF), na ipapalabas sa Disyembre. Mula sa mga isinumiteng script na umabot ng 25 productions, pipili ang Screening Committee, ng unang apat na scipt na magiging official entry sa festival.

Coco copy

At ngayong Biyernes, Hunyo 29, ang announcement ng unang apat na official entries para sa MMFF ngayong taon. Gaganapin ito sa 2nd Floor, Manila City Room ng Metro Manila Development Authority (MMDA) office sa Makati, bandang 3:00 ng hapon.

Pagkatapos ng announcement pa lamang puwedeng magsimula sa shoot ang tatanghaling first four official entries.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Walong pelikula ang nakakapasok sa MMFF taun-taon. Ang last four movies naman na makakasali ay magmumula sa mga finish products, meaning, pipili ng apat na entries mula sa buo nang pelikula.

Malalaman na kung totoong magkasamang gagawa ng movie sina Vic Sotto at Coco Martin at si Vice Ganda with Richard Gutierrez naman para sa MMFF 2018.

-NORA CALDERON