NAKUMPLETO ng Philippine Volcanoes National Men’s 15s Team ang two-match sweep laban sa Singapore para angkinin ang Division 1 title ng Asia Rugby nitong Martes sa Southern Plains, Laguna.

PINANGUNAHAN ni Team Captain Steve Pagtalunan Howorth ang ratsada ng Volcanoes tungo sa kampeonato.

PINANGUNAHAN ni Team Captain Steve Pagtalunan Howorth ang ratsada ng Volcanoes tungo sa kampeonato.

Ginapi ng Volcanoes, itinataguyod ng SEAPAC Philippines Inc. at MVP Sports Foundation, ang Sinagpore, 38-12, para selyuhan ang panalo sa prestihiyosong torneo.

Nanaig ang Pinoy, 32-24, sa unang match nitong Sabado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Unang nakahirit ang Sinagporean, ngunit pinaigting ni Philippine Team Captain Steve Pagtalunan Howorth ang ratsada ng Pinoy at sa pakikipagtulungan ng depensa nagawang makalsuot ni Robert Luceno Fogerty para makuha ang 13-5 bentahe.

Naitala ni Fogerty, pinakabatang miyembro ng koponan sa edad na 19, ang apat na penalty shots para sa kabuuang 18 puntos.

“We talked a lot about puso (heart). I think you saw in the last 20 minutes of the game, that we just never gave up and kept applying pressure” pahayag ni Fogerty.

Kumamada naman ang beteranong si ‘Flying Jeepney’ Justin Villazor Coveney ng 10 puntos, habang nag-ambag si Joe Palabay Dawson ng dalawang penalty.

“Our goal is to keep building on this win. Come next year, reclaim the Division 1 trophy in a four team round robin tournament,” pahayag ni Team Captain Steve Pagtalunan Howorth.

Bunsod ng panalo, malaki ang posibilidad na tumaas ang ranking Volcanoes sa world ranking at ma-promote sa Premier Division ng 2019 Asia Rugby Championships kung saan makakaharap nila ang Hong Kong, Korea at 2019 World Cup hosts Japan.

Patuloy din ang kampanya ng Volcanoes sa International Sevens Series na magsisimula sa September.