NAPANATILI ng TELUS International Philippines’ (TIP) women’s volleyball team ang dominasyon sa volleyball competition ng 2018 BPO Olympics matapos gapiin ang Acquire sa makapigil-hiningang five-set match kamakailan sa Meralco Gym.
Naitala ng TELUS ang 3-0 marka.
Matapos maghabol sa kaagahan ng first set, ratsada ang TIP para maitarak ang 24-26, 25-23; 22-25; 19-25; 14-16 panalo.
Tinanghal na Player of the Game si Customer Service Representative Ma. Angela Camille Picar ng TELUS nang pangunahan ang TIP sa ibabaw ng net at depensa.
Sunod na haharapin ng TIP ang Concentrix Team sa Hulyo 1.
Ang BPO Olympics ay taunang sporting event sa BPO industry tampok ang event na basketball, volleyball, badminton, table tennis, airsoft, billiards, darts, cheerdance, football, at marathon.