Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) scheme sa ilang farm products ay para lamang sa mga wet markets sa Metro Manila.
Ito ang nilinaw ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.
Iginiit din ng kalihim na hindi kabilang sa SRP scheme ang ilang “posh supermarkets” kagaya ng SM, Rustan’s o S&R.
Binigyang-diin din ni Piñol na ipinatupad nila ang SRP sa bangus, tilapia, galunggong, bigas, sibuyas at bawang para protektahan ang mga ordinaryong mamimili sa mataas at hindi katanggap-tanggap na presyo.
“Let this be an official clarificatory announcement that the SRP only applies to the eight items sold in wet and public markets because the intention of government is to protect the poor,” ani Piñol.
-Beth Camia