Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos umanong magbenta ng marijuana sa buy-bust operation sa Tanay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Rizal Provincial director, Police Senior Supt. Lou Frias Evangelista kay Calabarzon Regional director, Police Chief Supt. Edward Carranza, ang suspek ay si Arvien Kenneth Buenavista Aguirre, 22, SK chairman ng Barangay Mag-Ampon sa Tanay, at residente ng 11 G del Pilar Street ng naturang barangay.

Inaresto si Aguirre ng mga tauhan ng Intel/Drug Enforcement Team (DET) ng Tanay Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PO3 Florante Rupac, sa Del Pilar St., sa Bgy. Mag-ampon, dakong 6:15 ng gabi.

Matapos umanong magkabayaran ang suspek at ang poseur-buyer, agad pinosasan si Aguirre.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nakuha rin sa suspek ang anim na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at agad idiniretso sa presinto para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Mary Ann Santiago