Pumuwesto sa ika-52 ang Pilipinas mula sa 136 na bansa sa 2018 Military Strength Ranking.

Ang ranking ay ginawa ng Global Firepower at ikinonsidera ang mahigit 55 individual factors para matukoy ang kakayahanng militar ng isang bansa. Kabilang dito ang available manpower at financial stability.

Bilang pang-52 bansa, ang Pilipinas ay mayroong 498,250 total military personnel -- 172,500 ang active personnel, at 325,750 ang reserve personnel.

Nakasaad din na sa 158 total aircraft strength ng Pilipinas, 20 ay attack aircraft, 85 ang transport aircraft, 24 ang trainer aircraft, at 91 ang helicopter strength.

Catriona Gray, walang palya ang adbokasiya sa sining; 7 taon nang NCCA arts ambassador

Nangunguna sa Military Strength Ranking ang United States, sinusundan ng Russia, China, India, France, United Kingdom, South Korea, Japan, Turkey, at Germany.

-Beth Camia