NAPIPINTONG mahila ang National University sa legal battle ng dating Bullpup standout Rhayyan Amsali.

Kahapon, nagsampa ng reklamo laban sa pamunuan ng dating eskwelahan ang 17-anyos at Grade 11 student bunsod umano nang hindi makatwirang pagbibigay ng bagsak na grades dahilan para mahirapan itong lumipat sa San Beda.

Sa pahayag ng kanyang legal counsel na si Atty. Michelle Africa, humihingi sila ng paglilinaw sa isyu na umano’y isang paglabag sa paragraph 3, Section 16 ng Education Act of 1982.

“At the young age of 17, Rhayyan Amsali is a winner. His record speaks for itself: UAAP Champion, Batang Gilas stalwart, Jr. NBA standout. The pride of his hometown Zamboanga City, he is the model student-athlete every school dreams of. He was the toast of the National University Bullpups for all of five years. But this relationship turned sour when Amsali signified his intent to complete his senior high school education elsewhere (May 5),” nakasaad sa statement na may petsang Hunyo 25.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“After amicably parting ways with NU, and committing to San Beda University, Amsali found out that he was given a failing mark of 74 in the subject Fundamentals of Accountancy and Business Management 1 (FABM1). This came as a surprise to Rhayyan and most of all, his parents, since they did not receive any proper notice from his teachers, school administrators or athletic moderators that he was underperforming or had deficiencies in the subject,.”.

“This was, according to the legal opinion and urgent request for intercession by the National Commission on Muslim Filipinos, a violation of paragraph 3, Section 16 of the Education Act of 1982 viz:”

‘Every teacher shall x x render regular reports on performance of each student and to the latter and the latter’s parents and guardians with specific suggestions for improvement,” aniya.

Sang-ayon sa pamilya Amsali, posibleng naipasa ng manlalaro at nakumpleto ang hinihinging requirement kung nabigyan lamang ito ng karampatang abiso o pasabi para ito maisumite.

May hinuha silang sinasadya ito upang hindi matuloy ang paglipat ni Amsali.

Humingi na ng ayuda si Amsali sa National Commission on Muslim Filipinos, para sa agarang aksiyon ng pamunuan ng NU para sa kapakanan ni Amsali.

-Marivic Awitan