TATLONG linggo bago ang mahalagang laban kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina, nagpahayag ng kasiyahan ang kampo ni eight-division titlist Manny Pacquiao sa General Santos City, South Cotabato.

TINAKBO ni Pacquiao ang pinakamatarik na bundok sa Sarangani Province nitong Lunes. (MP PROMOTION)

TINAKBO ni Pacquiao ang pinakamatarik na bundok sa Sarangani Province nitong Lunes. (MP PROMOTION)

Ipinakita ng Pambansang Kamao ang dating matinding porma nitong Martes sa halos pagpapabagsak sa sparring partner na si Philippine super lightweight champion Jheritz Chavez sa pamamagitan ng isang solidong kanan sa panga na ikinatuwa nina chief trainer Buboy Fernandez at strength and conditioning coach Justin Fortune na kapwa nagbigay ng mataas na marka kay Pacquiao.

Tumigil si Pacquiao sa loob ng 10 segundo para makapagpahinga si Chavez at maraming nakaalala nang patulugin niya sa isang bigwas si Mexican Emmanuel Lucero noong 2003 sa Los Angeles, California sa United States.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I would say he is 85 already percent ready and we don’t want him to peak too soon,” sabi ni Fernandez na inihahanda si Pacquiao sa “Fight of Champions,” ang pinakamalaking boxing event sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hulyo 15 sa Axiata Arena.

“He is right there where we want him to be right now,” sabi naman ni Fortune sa Pilipinong lumikha ng kasaysayang sa boksing sa pagtamo ng 10 kampeonatong pandaigdig sa walong iba’t ibang dibisyon.

Hinamon ni Pacquiao ang sarili nitong Lunes ng umaga nang tumakbo sa pinakamataas na ruta sa Maasim, Sarangani Province.

“It’s a sign that Manny is trying to ask himself questions whether he still has it or not. That talks a lot about his warrior spirit,” dagdag ni Fortune.

Samantala, matindi rin ang pagsasanay ni Matthysse para matapatan ang lakas ni Pacquiao sa ilalim ni trainer Joel Diaz sa Indio, California para mapanatili ang korona niya kahit itaya pa ang kanyang buhay.

Pinabulaanan naman ng promoter ni Matthysse na si multi-world champion Oscar Dela Hoya na makakansela ang laban batay sa sinabi ng matagal nang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

“I feel very, very confident the fight is going to happen, let’s put

it that way,” sabi ni Dela Hoya kay BoxingScene editor Steve Kim.

“I might be there for about ten days, I want to go out there and help Manny promote and do my rounds in Malaysia. I have my plane tickets already. So we’re set to go, we have a fight,” giit ni De La Hoya.

-Gilbert Espeña