EXCITED kaming mapanood ang Cinemalaya entry na Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset) na pinagbibidahan nina Dante Rivero, Menggie Cobarrubias at Ms Perla Bautista mula sa direksyon ni Carlo Catu, dahil kuwento ito ng mag-asawang nagkahiwalay at muling nagkita noong matanda na sila.
Love story ito ng mga matatanda na bihirang i-tackle sa pelikula kaya curious kami kung paano tatakbo ang istorya.
Mag-asawa sina Tito Dante at Tita Perla, pero dahil babaero ang una kaya naghiwalay sila noong bata-bata pa sila.
Hanggang sa nakilala ni Tita Perla si Tito Menggie na isang biyudo at pediatrician. Nagmahalan at nagsama nang walang kasal ang dalawa dahil hindi naman annulled si Ms Perla.
Pagkalipas ng 26 years na paghihiwalay nina Tito Dante at Tita Perla ay tinawagan ng una ang asawa dahil maysakit na siya at walang mag-aalaga sa kanya.
Pinuntahan ni Tita Perla si Tito Dante sa dating bahay nila para alagaan at minsan ay doon na rin nakakatulog, kaya mag-iisip ang moviegoers kung mahal pa ng una ang huli dahil bakit concerned pa rin siya.
Ang malaking tanong, paano natanggap ni Tito Menggie na ang babaeng mahal niya at inalagaan ay nasa piling ng lalaking nanloko rito?
For the record, hindi naghiwalay sina Tito Menggie at Tita Perla dahil nagpaalam ang huli na kung puwede ay alagaan niya si Tito Dante dahil maysakit at pinayagan naman siya.
Habang pinakikinggan namin ang kuwento ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ay hindi namin namamalayan na tumulo na pala ang luha namin dahil sobrang heartbreaking.
Pawang veteran actors ang bida ng pelikula kaya hindi nahirapan si Direk Carlo kina Tito Dante, Tito Menggie at Tita Perla kaya pala on time nilang natapos ang shooting.
Mapapanood ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon sa Agosto.
-Reggee Bonoan