Hinimok ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara ang pamahalaang Duterte na ikonsidera ang pagbuhos ng pamumuhunan sa sektor ng agrikultura kung nais ng bansa na maging mas inclusive o maramdaman ng mas maraming mamamayan, ang paglago ng ekonomiya.

Sinabi ni Angara na bukod sa pagsulong sa imprastraktura, kailangan din ng Pilipinas ng “agricultural revolution” na maaaring isulong ng administrasyong Duterte kasabay ng “Build, build, build” initiative.

“Just as we hope to enter a golden age of infrastructure, we should aim to reach an equivalent ‘golden age of agriculture’,” ani Angara sa 2018 National Conference and Agri-Fishery Research and Development Festival na ginanap sa Sorsogon City,

“Where there’s build, build, build, there should also be a ‘grow, grow, grow’; ‘plant, plant, plant’ or even ‘fish, fish, fish’,” dugtong niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi niya na mahalaga ang agricultural revolution muling sumigla ang naghihingalong sektor ng agrikultura, dahil 60 porsiyento ng maralitang Pilipino ay nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura.

“We may be exhibiting among the fastest growth rates in the world today, but such growth would be for nothing if it doesn’t reach our farmers and fisher folk,” aniya.

“Isipin nalang natin, bakit kasama pa rin ang mga magsasaka at mangingisda sa mga pinakamahirap na sektor? Bagaman pagkain ang kanilang hanapbuhay, marami pa rin sa kanila ang nagugutom,” diin ni Angara.

“Kaya marami sa kanila ang nagkakasakit, at karamihan sa kanilang mga anak ay hindi nakapag-aaral o kaya naman ay hirap maghanap ng trabaho,” aniya pa.

Ang conference ay hosted ng Fulbright- Philippine Agriculture Alumni Association Inc., na itinuturing ang ama ng senador, ang namayapang si Senate President Edgardo Angara, na ama ng Fulbright-Philippine Agriculture Program.

-Hannah L. Torregoza