IBINIDA ng mga opisyal ng Suzuki Philippines, sa pangunguna nina Hiroshi Suzuki, President (Ikalawa mula sa kaliwa) at SPH Vice President and General Manager for Automotive Shuzo Hoshikura (dulong kanan), ang dalawang bagong modelo ng Suzuki Dzire at Swift sa grand launching Miyerkules ng gabi sa Marriott Hotel.
IBINIDA ng mga opisyal ng Suzuki Philippines, sa pangunguna nina Hiroshi Suzuki, President (Ikalawa mula sa kaliwa) at SPH Vice President and General Manager for Automotive Shuzo Hoshikura (dulong kanan), ang dalawang bagong modelo ng Suzuki Dzire at Swift sa grand launching Miyerkules ng gabi sa Marriott Hotel.

HINDI isa, bagkus dalawang bagong sports sedan para sa Millennial – ang all-new Dzire at Swift -- ang ipinakilala ng Suzuki Philippines, nangungunang compact car distributor sa bansa, nitong Miyerkules sa isang magarbong programa sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Pasay City.

Mas pinaganda, pinatibay at pinabilis gamit ang makabagong teknolohiya sa Japanese engineering at automotive industry, ang pinakabagong modelo ng Dzire at Swift ay sadyang naaayon sa pangangailangan ng mga young executives at on-the-go millennial.

“We are grateful for the strong support we continue to receive from the Filipino market, particularly during the first months of the year. As testament of our commitment to delivering only the best-quality products and services, we at Suzuki Philippines are more than happy to finally share with everyone the all-new Dzire and all-new Swift equipped with the latest of our innovative technology. I am optimistic that these latest product offerings will drive SPH to new milestones, all while staying true to the goal of sharing with more Filipinos the Suzuki Way of Life,” pahayag ni SPH Vice President and General Manager for Automotive Shuzo Hoshikura.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dzire: Ang tamang sedan na hanap

Kauna-unahan sa Pilipinas, ang Dzire ay may Auto gear Swift (AGS) teachnology kung saan kombinasyon ang tipid sa karga ng gasolina na tulad ng paggamit sa manual transmission at kaginhawaan ng isang automatic transmission.

Sa naturang teknolohiya, hindi kailangang pang tumapak sa clutch pedal para lamang magpalit ng gear sa nais na bilis.

Swift: award-winning hatchback

Nanatili naman ang porma ng Swift na minahal nang Pinoy sa nakalipas na mga modelo, ngunit sa pagkakataong ito, ang pinakabagong Swift ay mas pinatibay at pinaganda ang porma na naayon sa panlasa ng makabagong Pinoy.

At para masiguro na makatitipid sa gasoline, gamit ng bagong Swift ang Continuously Variable Transmission (CVT) na nagdudulot nang maayos at malambit na pagbabago sa gear na walang hirap para sa mas mabilis na harurot.

Mabibili na sa merkado ang all-new Dzire na may dalawang modelo – ang GL MT na may kulay Premier Arctic White, Metallic Silky Gray and Premier Midnight Black sa halagang P638.000 (SRP) at GL plus AGS na may kulay na Premium Oxford Blue, Premium Sherwood Brown, Premium Arctic White, Midnight Blue at Metallic Magma Gray sa halagang P698,000 (SRP).

Ang all-new Swift ay may tatlong modelo – GL MT (P755,000), GL CVT (P799,000) at GL CVT (P799,000) at GLX CVT (P899,000) at available sa kulay ba Speedy Blue Metallic, Fervent Red, Pure White Pearl, Premium Silver Metallic, Mineral Gray Mettalic at Super Black Pearl.