Hiniling ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development sa gobyerno na magtalaga ng mga barangay tanod na aaresto sa mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa, dahil bihirang umabuso ang mga ito.

LAGOT TAYO Hindi nakalusot maging ang mga batang ito na nakatambay sa isang computer shop sa Estrella Street, Pasay City nang dalhin sila sa presinto ng Pasay City Police, kahapon ng madaling araw. (JUN RYAN ARAÑAS)

LAGOT TAYO Hindi nakalusot maging ang mga batang ito na nakatambay sa isang computer shop sa Estrella Street, Pasay City nang dalhin sila sa presinto ng Pasay City Police, kahapon ng madaling araw. (JUN RYAN ARAÑAS)

Sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo, senior member ng partidong PDP-Laban, na mababawasan ang batikos ng publiko sa gobyernong Duterte kaugnay sa umano’y mga pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga alagad ng batas kapag pinayagan ang mga barangay tanod na aktibong makilahok sa peace and order campaign sa kanilang mga komunidad.

“Why not? A barangay tanod is well trained to deal against vagrancy and he fully knows the terrain of the community as well as its people. He can probably do the job right,” ani Castelo, senior member ng House Committees on Dangerous Drugs at ng Public Order and Safety.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakiisa si QC Councilor Don De Leon sa pananaw ni Castelo, ipinunto na ang mga barangay tanod, kilala rin bilang Barangay Public Safety Officers (BPSO), ay maaaring maging “force multipliers.”

Ikinalungkot ni De Leon na dalawang indibidwal ang namatay resulta ng kampanya ng pulisya laban sa mga tambay at istriktong pagpapatupad sa mga ordinansa ng lungsod laban sa paglalasing, paglalakad nang nakahubad at pag-ihi sa mga pampublikong lugar, at iba pang lokal na batas sa public order.

Ipinaliwanag ni Castelo na halos pareho ang responsibilidad ng barangay tanod sa pagpapatupad ng peace and order ng mga pulis maliban sa wala silang armas at sa halip ay mga pamalo ang bitbit.

“Public reaction to Oplan Tambay could be less critical if it would be enforced by authorities that are less prone to commit abuse,” ani Castelo, idinagdag na mas mahinahon din ang mga baranggay tanod sa pagsita sa mga lumalabag sa ordinansa.

Samantala, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang anti-tambay campaign ng gobyerno hanggang ideklara itong ilegal ng Supreme Court.

“Until the Supreme Court says or court says that I cannot do it… that is my order,” aniya sa Cagayan de Oro City nitong Lunes.

-BEN R. ROSARIO at GENALYN D. KABILING