ISANG Filipino featherweight boxer sa katauhan ni John Leo Dato na lumalaban sa United States at Mexico ang kakasa sa Mexican journeyman na si Antonio Rodriguez sa Hulyo 6 sa Chumash Casino, Santa Ynez, California.

May kartadang perpektong 5-0, kabilang ang tatlo sa pamamagitan ng knockouts, dalawang beses lumaban si Dato sa Mexico kung saan pinatulog niya sina Manuel Bernal at Victor Manuel Martinez Flores.

Sa tatlong laban sa US, tinalo niya sa puntos sina Guadalupe Arroyo at Michael Gaxiola at pinatulog si Eduardo Ronquillo.

Pawang Mexican ang nakalaban at tinalo ni Dato tulad ng makakaharap niyang si Rodriguez na minsang lumaban sa Pilipinas sa walang talong knockout artist na si KJ Kataraja at natalo lamang sa puntos noong Pebrero 27, 2016.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Rodriguez na 12-22-1 na may 5 pagwawagi sa knockouts, ngunit may sapat siyang karanasan para palasapin ng unang pagkatalo si Dato.

-Gilbert Espeña