TARGET ng beteranong mentor na si Frankie Lim na madala ang winning culture sa University of Perpetual Help Altas mula sa kanyang pagiging champion coach sa San Beda sa kanilang pagkampanya sa darating na 94th NCAA senior basketball tournament na magbubukas sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“We’re not reaching for the moon, we just want to bring back the competitiveness and the winning culture also,” ani Lim, pumalit sa dating coach na si Nosa Omorogbe buhat sa nakapanlulumong pagtatapos sa nakaraang season.

Umaasa si Lim na magagawa niyang maihatid ang Altas sa tugatog ng tagumpay gaya ng ginawa niya sa San Beda noong 2007, 2008, 2010 at 2011.

Hindi pa nagwawagi ng kahit isang titulo ang Perpetual Help sa senior basketball magmula ng sumali sila sa liga 34 na taon na ang nakakalipas.

Amang OFW ng nasawing 5-anyos sa NAIA, 'di nakaalis ng bansa; DMW, makikipagtulungan sa employer

At umaasa si Lim na matatapos na ang paghihintay ng Perpetual community.

“That is everyone’s hope,” wika ni Lim.

“We’re in a rebuilding process and we have more new players than old ones. So our experience in the PBA D-League and Filoil somehow helped us facilitate the transition while giving the players confidence for the coming NCAA wars,” dagdag pa ni Lim.

Ipaparada ng Perpetual Help ang beteranong line-up na pangungunahan ng mga holdovers na sina Nigerian center Prince Eze, AJ Coronel, Anton Tamayo at Rome Mangalino.

Kasama nila ang mga transferees na sina Ton Ton Peralta mula Cagayan de Oro, Kim Aurin na galing ng St. Francis, Jerome Pasia mula sa PMMS, Carl Soriano, Edgar Charcos buhat sa University of the East at Kit Jimenez galing ng Far Eastern University .

Nasa line up din sina Luke Sese (San Beda), Jielo Razon (Perpetual) at Jasper Cuevas (Perpetual).

“Our target is next year and two years from now because we have several of my recruits coming in,” ayon kay Lim.

-Marivic Awitan