INIHAYAG ng grupong naggagawad ng Oscars nitong Lunes na nagpadala ito ng imbitasyon sa 928 bagong miyembro mula sa 59 na bansa, alinsunod sa pinakamalaking diversity drive nito makaraang batikusin dahil sa umano’y mga white at karamihan ay male member lamang ang isinasali.

Oscars

Kabilang sa mga inimbitahan si Girls Trip star Tiffany Haddish; The Big Sick co-writers Kumail Nanjiani at Emily V. Gordon; at comedian at actor Dave Chappelle, kinumpirma ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa isang pahayag.

Kapag tinanggap ang lahat ng imbitasyon, aabot ang female membership sa 31 percent mula sa kasalukyan na 28 percent, sabi pa ng grupo. Ang mga member naman na mula sa iba’t ibang lahi ay tataas sa 16 percent mula sa 13 percent.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Ang kabuuang membership ay aabot sa mahigit 7,000 aktor, manunulat, direktor, executive, at iba pa.

Matagal nang inuusig ang kawalan ng diversity sa academy at itinuturing ito na balakid upang makamit ng iba’t ibang lahi ang pinakamalalaking parangal sa Hollywood.

Noong 2016, nangako ang Academy na dodoblehin ang bilang ng kababaihan at ang minority membership sa 2020.

-Reuters