RIGA (AFP) – Nagdeklara nitong Martes ang gobyerno ng Latvia ng national state of disaster sa agricultural sector nito resulta ng matagal na tagtuyot na nakaapekto sa halos kabuuan ng Baltic state at tinawag ng ilan na pinakamalala sa loob ng maraming dekada.

Pinakamatinding tinamaan ang rehiyon ng Kurzeme sa dulong kanluran. Maraming lugar pa ang hindi nakaranas ng ulan simula noong Abril, na nagreresulta sa pagkasunog ng ilang sakahan at pagkasira ng mga pananim.

Dahil sa deklarasyon ng state of disaster, hindi maaaring ilitin ng mga bangko ang mga sakahan, at bibigyan ng panahon ang mga magsasaka na matapos ang development projects para makuha ng pondo mula sa European Union.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture