MARAHIL ay tapos na ang shining moment ni Drake, at ngayon ay si J. Balvin naman ang nasa spotlight.

J. Balvin

J. Balvin

Inanunsiyo ng Spotify nitong Lunes na ang Colombian reggae musician na si J. Balvin ang number one artist viewed sa buong mundo, na may mahigit 48 million listeners kada buwan, at pinalitan ang dating number one na si Drake.

Lalong sumikat si Balvin sa paglabas kamakailan ng kanyang bagong single, ang X, katuwang si Nicky Jam, na iniulat na 327 milyong beses nang pinakinggan simula nang i-release ito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“The world is for those of us who dream big,” pahayag ni Balvin sa video na naka-post sa kanyang Instagram account.

Una rito, kinilala ang kanyang single na Mi Gente bilang unang full Spanish song na nakaabot ng No. 1 spot sa Global Top 50 Chart ng Spotify.

Sa kanyang statement sa thefader.com, sinabi ni Balvin na siya ay “grateful” at binigyang-diin ang kapasidad ng mga Latino na makipag-uganyan sa audience nang hindi inaalis ang kanyang identity.

“I’m so grateful and proud to be the most heard artist in the world on Spotify. It’s bigger than J Balvin, it’s the movement and it’s in Spanish,” aniya.

“We are proving that Latinos have the power to connect with an audience on a global level without having to leave our identity behind. This is an achievement for the entire Latino community,” sabi pa ni Balvin.

-Manila Bulletin Entertainment