Inaprubahan ng US Food and Drug Administration ang isang cannabis-based drug sa unang pagkakataon, sinabi ng ahensiya nitong Lunes.
Ang Epidiolex ay twice-daily oral solution na inaprubahan para sa mga pasyenteng 2 taon gulang pataas para lunasan ang dalawang uri ng epileptic syndromes: Dravet syndrome, isang rare genetic dysfunction ng utak na nagsisimula sa unang taon ng buhay, at ang Lennox-Gastaut syndrome, isang uri ng epilepsy na may multiple types of seizures, karaniwan sa mga nasa edad 3 hanggang 5.
“This is an important medical advance,” sinabi ni FDA Commissioner Dr. Scott Gottlieb sa pahayag nitong Lunes. “Because of the adequate and well-controlled clinical studies that supported this approval, prescribers can have confidence in the drug’s uniform strength and consistent delivery.”
Ang gamot ay ang “first pharmaceutical formulation of highly-purified, plant-based cannabidiol (CBD), a cannabinoid lacking the high associated with marijuana, and the first in a new category of anti-epileptic drugs,” saad sa pahayag nitong Lunes mula sa GW Pharmaceuticals, ang UK-based biopharmaceutical company na gumagawa ng Epidiolex.
Isa ang cannabidiol sa mahigit 80 active cannabinoid chemicals, ngunit hindi katulad ng tetrahydrocannabinol o THC, hindi ito nakaka-high.
Inaprubahan ng FDA ang synthetic versions ng ilang cannabinoid chemicals na matatagpuan sa marijuana plant para sa ibang gamit, kabilang ang pain relief sa cancer.
Mabibili na ang Epidiolex sa taglagas.
-CNN