INIHULOG nina Dr. Marie Carmela M.Lapitan at Dr. Jay Javier ng GSK Philippines ang ‘endorsement letter’ bilang simbolo ng pakikiisa para maabatan ang sakit na Benign Prostatic Hyperplasia (BPH).
INIHULOG nina Dr. Marie Carmela M.Lapitan at Dr. Jay Javier ng GSK Philippines ang ‘endorsement letter’ bilang simbolo ng pakikiisa para maabatan ang sakit na Benign Prostatic Hyperplasia (BPH).

Ni EDWIN ROLLON

TRIP mo ba ang sumabak sa mountain biking, triathlon? o horseback riding? Aktibo ka rin sa extreme sports, gayundin sa contact sports na wrestling at mixed martial arts?

Walang dapat ipagamba, sundin ang nais ng katawan at isipan. Ang pagsabak sa mabibigat na gawain, kabilang ang sports ay hindi dahilan para madevelop sa kalalakihan ang Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) o pamamaga ng prostate ng kalalakihan.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Pinabulaanan ni Dr. Marie Carmela M. Lapitan, GSK Area Medical Expert, ang matandang haka-haka na ang labis na pagsabak sa mabibigat na gawain, gayundin sa sports tulad ng horseback riding, cycling, wrestling at iba pang contact sports ang dahilan ng sakit na BPH.

“There is no medical basis for this. Engaging in activities like biking, horsebike riding or other extreme sports has no direct effect in developing BPH,” pahayag ni Lapitan.

Aniya, nadedevelop ang BPH sa panahon dumarating ang kalalakihan sa edad na 50 pataas dulot nang pagtaas ng testosterone na siyang tumutulong sa pagdevelop ng reproductive tissue sa kalalakihan.

“Every man at the prime of his life deserves a life where he can enjoy the things that he loves to do—such as trips with his family and sports like biking and hiking—without any hindrances and discomforts caused by BPH,” sambit ni Lapitan.

Hindi nakamamatay na sakit na BPH, ngunit, importanteng maabatan ito para makaiwas sa komplikasyon at makapamuhay ang kalalakihan ng maayos, maginhawa at malusog kasama ang pamilya.

Bilang pagtalima, isinusulong ng GlaxoSmithKline Philippines (GSK), nangungunang healthcare company sa mundo, ang awareness campaign sa pamamagitan ng slogan na “FUN to be WISE on BPH”.

“24% of Filipino men aged 50-59 suffer from Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) with at least moderate symptoms,” pahayag ni Dr. Jay Javier, GSK Medical Affairs for Urology.

Ayon kay Javier, madaling makitaan ng sintomas ang BPH kung kaya’t walang dahilan para hindi matugunan ang pangangailangan na magamot at malunasan ng maaga.

“If untreated, BPH can also lead to Acute Urinary Retention (AUR) and may require surgery,’ aniya.

Iginiit ni Javier, na madaling makita ang sintomas ng BPH. At batay sa pag-aaral ng International Prostate Symptom Score, madaling matugunan ang naturang karamdaman.

“Kung madalas kang naiihi at pakiramdam mo naiihi kahit katatapos mo pa lang, kaagad na magpkunsulta sa doctor.

Tandaan po natin, mas Masaya ang sama-samang pamilya na walang nararamdamang problema sa katawan,’ sambit ni Javier.