Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 n.h. – SMB vs Blackwater

7:00 n.g. -- Magnolia vs NLEX

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MASIGURO ang tagayan sa susunod na round ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa sa nasibak ng Blackwater sa double-header PBA Commissioners Cup elimination ngayon sa MOA Arena sa Pasay.

Magtutuos ang Beermen (5-4) at ang Elite(1-9) sa pambungad na laban ganap na 4:30 ng hapon bago ang tampok na bakbakan sa pagitan ng Magnolia (4-5) at NLEX (2-8).

Kapwa namaalam na sa kampanya, hangad na lamang kapwa ng Elite at Road Warriors ang respetadong pagtatapos ng kampanya sa second conference habang magsisikap namang pumuwesto sa playoffs ang Beermen at Hotshots.

Tatangkain ng tropa ni coach Leo Austria na masungkit ang ika-6 na panalo na pormal na magsusulong sa kanila sa susunod na round kung saan sa kasalukuyan ay may nababanaagan pa silang pag-asa na makahirit sa no. 2 spot kung mananalo sila ngayon sa Elite at sa Hotshots sa huli nilang laro sa elimination round at umasang matalo ang Alaska at TNT sa huli nilang laban.

Kapag nagkataon, magkakaroon ng 4-way tie sa 7-4 sa pagitan ng SMB, TNT, Alaska at Meralco at tiyak na babasagin ito sa pamamagitan ng playoff para alamin kung sino ang ikalawang team na magtataglay ng bentaheng twice-to-beat sa quarters kasama ng top seed Rain or Shine.

Sasakyan ng Beermen ang momentum ng naitalang back-to-back win kontra Katropa at Road Warriors habang sisikapin naman silang ma-upset ng Elite upang madagdagan ang nag-iisa nilang panalo sa mid season.

Babawi naman ang Magnolia mula sa 84-104 na pagkabigo sa nakaraang laban nila ng Ginebra upang makalapit sa inaasam na pagpasok sa quarters.

Ipaparada ng Hotshots ang pinakabago at pang-apat nilang import ngayong conference na nagkataong dating import ng NLEX noong nakaraang taong Commissioners Cup na si Wayne Chism.

-Marivic Awitan