Hindi na maaaring gamitin ng mga pulis ang terminong “tambay” sa kanilang operasyon.

Ito ay makaraang iutos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa 190,000 tauhan niya na iwasan nang gamitin ang nasabing bansag kasunod ng pagbatikos sa pulisya kaugnay ng serye ng pagdampot sa mga lumalabag sa ordinansa.

“Ipinagbawal na natin sa kanila ‘yung paggamit ng tambay na word. Sabi nga natin there is no violation because of tambay. Ito ay nahuli because they are violating city ordinances not because they are tambays,” paglilinaw ni Albayalde sa press conference sa Camp Crame kahapon.

Dapat na lamang aniyang gamitin ng mga pulis ang salitang “violators of city or local ordinances” upang malinawan ang publiko na ang inaaresto ay mga lumabag lamang sa batas.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

“Wala na pong dapat ikatakot dahil nakita ng ating mga kababayan, zero tolerance tayo sa mga pang-aabuso ng iba kung talagang makita naman natin na ‘yung mga pulis natin ay may ginawang pang-aabuso. Kung natatakot sila na magsumbong sa local police, pumunta sila sa regional headquarters o dito sa national headquarters,” ayon sa kanya.

Nilinaw din ni Albayalde na aabot na sa 11,000 ang mga dinampot sa paglabag sa ordinansa.

Ipinaliwanag pa ni Albayalde na nailabas na ng PNP ang guidelines sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng city ordinance.

Ang guidelines, aniya, sa paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa ay nakapaloob sa kanilang Police Operational Procedure na nasa listahan din ng binagong PNP Manual na inilabas noong Disyembre 2013.

-Martin A. Sadongdong