UMIGPAW ang Philippine Volcanoes sa second half para gapiin ang Singapore, 23-14, nitong Sabado sa first match ng kanilang Division 1 match-up sa Asia Rugby Championships sa Southern Plains Sports Field sa Laguna.

IMPRESIBO ang debut ni Robert Luceno Fogerty sa panalo ng Volcanoes laban sa Singapore sa harap ng home crowd nitong Sabado sa Asia Rugby Championship Division 1.

IMPRESIBO ang debut ni Robert Luceno Fogerty sa panalo ng Volcanoes laban sa Singapore sa harap ng home crowd nitong Sabado sa Asia Rugby Championship Division 1.

Itinataguyod ng SEAPAC Philippines (SPI) at First Pacific, dumadagundong ang venues sa hiwayan ng nagbubunying home crowd matapos maitala ang panalo, tampok ang ratsada ni rookie Sean Celada Lynch sa unang anim na minuto ng laro.

Unang nakaiskor ang Singapore mula sa drop goal ni Fullback Jonathan Barber sa unang apat na minuto ng laro, ngunit kaagad na nakabawi ang Volcanoes para makuha ang 5-3 bentahe.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghamok ang magkabilang panig sa makapigil-hiningang play, ngunit nakalusot si Jonathan Barber para sa 8-5 bentahe ng Singapore. Napalawig ng Singapore ang abante sa 14-5 matapos ang 23 minuto.

Ngunit, bahagyang nakabawi ang Volcanoes bago ang halftime.

Sa second half, ratsada ang Volcanoes, sa pangunguna nina Joe Palabay Dawson at Vice Captain Danny Bembo Matthews para maidikit ang iskor sa 12-14.

Tuluyang naagaw ng Pinoy ang bentahe sa 15-14 mula sa penalty conversion ni Matthews. Napalawig ng Pinoy ang bentahe sa 20-14 matapos ang krusyal play ni Dawson .

“It’s hard to believe to have scored on debut, it meant a lot,” pahayag ni rookie Robert Luceno Fogerty, isa sa pinakabatang player ng Volcanoes sa edad na 19-anyos.

“We were solid in defence up front, we showed heart. Our backs proved to be dominant in space, “ sambit naman ni team Captain Steven Pagtalunan Howorth.

May nalalabi pang isang laro sa pagitan ng magkaribal na koponan. Batay sa regulasyon, ang koponan na may pinakamalaking puntos sa serye ang tatanghaling kampeon.

Tatangkain ng Volcanoes na makopo ang titulo sa home game ngayon ganap na 3L00 ng hapon.