Pinosasan ng mga awtoridad ang isang big-time drug pusher makaraang madakip sa buy-bust operation sa loob ng isang kotse sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Sa panayam kay Supt. Ferdie Del Rosario, deputy chief of police for operation ng Caloocan City Police, kinilala ang naaresto na si Ian Insa, alyas “Nino”, 26, ng Katamtaman Street, Tondo, Maynila.

Sinabi ni Col. Del Rosario na bandang 10:30 ng gabi nang ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust laban kay Insa.

Sa transaksiyon ng suspek at ng poseur buyer ay gagawin sa 3rd Avenue ng Barangay 120, Caloocan City ang bentahan, sa loob mismo ng kotse ni Insa, sa halagang P70,000.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang maiabot ng suspek ang shabu, kaagad na inaresto ng mga pulis si Insa sa loob ng Mitsubishi Mirage (conduction sticker No. (NNS-5154) nito.

Matapos halughugin ang sasakyan ni Insa, nakuhanan pa umano siya ng nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Sections 5 at 11 sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) sa Caloocan City Prosecutors Office, at walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

-Orly L. Barcala