INDIANAPOLIS (AP) — kabilang ang masigasig na si Lance Stephenson sa mga players na maghahanap ng bagong koponan.
Sa kabila ng matikas na performance sa playoff run ng Indiana Pacers sa nakalipas na season, binitiwan ng Indiana si Stephenson, ayon kay Pacers President of Basketball Operations Kevin Pritchard nitong Lunes (Martes sa Manila).
“This was a very difficult decision, but as free agency begins on July 1, we want to have flexibility so that we can prepare for all of our available options,” aniya.
Bago ang pagbubukas ng nakalipas na season, ipinamigay ni Pritchard ang star player nilang si Paul George kapalit nina Victor Oladipo at Domantas Sabonis mula sa Oklahoma City.
Naging lider ng Pacers si Oladipo, napasama sa All-Star sa unang pagkakataon, habang naging malaking tulong sa opensa si Sabonis, isang lottery pick noong 2016. Nag-ambag din sina point guard Darren Collison, Thaddeus Young at Bojan Bogdanovic.
Ngunit, iba ang gana, higit sa depensa ang ibinigay ni Stephenson, higit sa second round playoff game laban sa Cleveland Cavaliers. Naitala ng eight-year veteran ang season averaged 9.2 puntos, 5.2 rebounds at 2.9 assists.