NAGSULPUTAN nitong Biyernes ang mga ulat na ang patriarch ng Jackson family, si Joe Jackson, ay naospital dahil sa terminal cancer. At nito ngang Linggo ay nag-post ang 89 taong gulang sa Twitter na inihahanda na niya umano ang sarili sa kanyang pagpanaw.

Paris

Gayunman, ayon sa Yahoo Entertainment nitong Lunes, ilang oras makaraang mai-post ang mensahe—kung saan makikita ang larawan ni Joe na nakatitig sa papalubog na araw—ay kinontra ng kanyang apo na si Paris Jackson, anak ni Michael Jackson, ang katotohanan ng post.

Sinabi ng 20 taong gulang na ang sentimyento sa post ay “beautiful,” ngunit sinabi niyang hindi galing sa kanyang lolo ang mensahe.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nang tanungin ng kanyang followers kung paano niyang nalaman na hindi si Joe ang nag-tweet, sumagot si Paris ng, “I was with him there’s no possible way for him to have tweeted it.”

Pinayuhan naman siya ng isang fan at sinabing, “You should go visit him,” na nireplyan ni Paris ng, “We all have. I flew out this morning to be with him all afternoon and evening.”

Na-post pa ng isang tweet si Paris na patungkol sa kalusugan ng kanyang lolo.

Nagpahayag din si Janet Jackson, bunsong anak ni Joe, ng talumpati para sa kanyang ama nitong nakaraang linggo.

Sa 2018 Radio Disney Music Awards, kung saan kinilala ang kanyang career-spanning Impact Award (na pinangalanang Janet Jackson Award), naglahad siya ng speech ng pasasalamat sa kanyang pamilya, kabilang ang impluwensiya ng kanyang ama sa kanya. “My father — my incredible father — drove me to be the best that I can,” aniya.