SA susunod na laban ng Magnolia, maglalaro na ang ikaapat nilang import para sa ginaganap na 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Wayne Chism (rideluvio)

Wayne Chism (riodeluvio)

Dumating sa bansa ang dating import ng Rain or Shine na si Wayne Chism para maging bagong import ng Hotshots kapalit ni Justin Jackson. Ito ang magiging panglimang stint ng dating Tennessee Volunteer sa PBA.

“Noon pa namin siya kinukuha. Pero after ng NLEX, binigay yung rights niya sa Blackwater, kaso hindi rin siya nakapaglaro doon dahil yung team niya sa Bahrain umabot sa finals,” pahayag ni Magnolia governor Rene Pardo.

Huling naglaro sa PBA si Chism noong nakaraang taong Commissioners Cup para sa NLEX.

Wimbledon, bumati kay Alex Eala sa wikang Filipino: 'Buo ang suporta ng Pilipinas sa'yo!'

Nagwagi na rin siya ng Best Import award noong 2015 Commissioner’s Cup habang naglalaro para sa Rain or Shine.

-Marivic Awitan