NAG-CELEBRATE last Friday, June 22 ng kanyang birthday ang tinaguriang Asia’s Princess Of Songs na si Emma Cordero, sa Ka Freddie’s Bar ni Freddie Aguilar, kasabay na rin ng 35th anniversary ng kanyang singing career.

Freddie only pls

Ha, ha, ha! Sa tagal na namin sa showbiz, bakit that night lang namin siya naramdaman, ha, Joey Sarmiento? Joke lang!

Pero may sagot naman dito si Ms. Emma Cordero.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kasi hindi lang naman dito sa Pilipinas ako home-based kundi lagi ako sa Japan. Oo, pabalik-balik lang ako dito from Japan. Sa Japan kasi may music jazz bar ako dun. Tapos meron din akong company at saka meron din akong scholar foundation.

“Dito sa Pilipinas meron din akong scholar foundation...mga scholars na pinapag-aral ko. Sa Japan, mga Pinoy din ang mga scholars ko na pinapag-aral dun.”

Kaya ba niya ginawa ang kanyang birthday celebration-cum-35th anniversary in her singing career sa bar ni Freddie Aguilar ay dahil supporter siya ni Ka Freddie.

Susuportahan ba niya si Ka Freddie sakaling matuloy ang pagkandidato nitong senador sa 2019?“Well, kung halimbawa ano...kaibigan siyempre kami. Kung ano ang magagawa ko, kung ano ang maisusuporta ko, susuporta ako sa kanya. Pero ‘yungh kaya ko lang.”

Matagal na ba silang magkaibigan ni Ka Freddie Aguilar? Or nagkaibigan sila?

“Well, ahhhh...matagal ko na siyang idol. Ha, ha, ha! Matagal ko na siyang hindi nabibigyan ng support ko bilang idol ko...bilang icon king. So, ngayong birthday ko and at the same time 35 years anniversary sa singing career ko, ito na ang time nang pag-support ko sa kanya and actually meron nga akong plano na kunin siya para mag-tour sa Japan.”

At ang kanyang birthday wish: “Lahat sana ng mga pangarap ko na matulungan itong mga bata na mga pinapag-aral ko, ‘yung mga scholars ko, makatapos silang lahat ng pag-aaral at ‘pag lumaki na sila at maging successful sila sa buhay , kung anuman ‘yung mga itinutulong ko sa kanila, itulong nila sa iba kahit na hindi sa akin.

“Ang pangalan ng scholar foundation ko dito sa Pilipinas ay Angel Voice Foundation of Our Lady Of Fatima de San Pedro School na itinayo ko 15 years ago. Ang foundation ko naman sa Japan is Aiwagitay na yun din ang title ng ginawa kong song sa mga bata na in Japanese na in English I Wanna Give Love foundation sa Japan.

“’Yung mga Pinoy na dinala ko sa Japan, ‘yun ang mga pinapag-aral ko dun. Ang scholars foundation ko, ‘yun ang passion ko. ‘Yun ang kaligayahan ko. ‘Yun ang buhay ko. This is my life,” sabi pa ng Asia’s Princess Of Song.

-MERCY LEJARDE