Tatlong lalaking nakamaskara ang tumangay ng pera at alahas ng mga customer at empleyado ng isang restaurant na kanilang nilooban sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng pulisya, abala sa pagkain ang mga customer sa isang restaurant sa Lapu-Lapu Street, Barangay 78, Caloocan City, dakong 8:50 ng gabi nang pumasok ang mga suspek.

Nakasuot ng face mask ang tatlong lalaki na pawang may bitbit na mga sako at nagdeklara ng holdap.

Dalawa sa mga suspek ang nagtutok ng baril sa mga customer at empleyado ng kainan at inatasan silang ilagay ang kanilang pera at mga alahas sa mga sako.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Tumakas ang mga holdaper sakay sa isang motorsiklo.

Nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera ang pagpasok at paglabas ng mga suspek, ngunit hindi namukhaan ang mga ito dahil na rin sa suot na face mask.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

-Orly L. Barcala